We are not power-hungry opportunists

March 7, 2006. The problem with a silent majority is that they’re silent. They’ve surrendered to a status quo not worth maintaining or defending. They insist on playing deaf and remaining apathetic to things done and gone wrong just so they could go on with their comfortable lives. They say we’ve fallen trap into opposition propaganda, that we’ve sold out to rally for money. I say they‘ve fallen trap to Arroyo propaganda and that the fact that they hate rallies because it disrupts their jobs and studies makes them more worthy of being called sell-outs to a market system paying them not to express their dissent for fear of losing a day’s wage or an attendance grade.

I came an interesting discussion here regarding these current socio-political issues. Anonymous 2 who turned out to be the blogger from Torn & Frayed in Manila mentioned some valid points:

You say I’ve fallen for the opposition’s propaganda machine? I think you’ve fallen harder for GMA’s well-funded, extremely powerful propaganda machine that has been in operation since day 1. As have many others. …

You want to settle for the status quo but we desperately need and deserve so much better.

… If you are willing to look the other way in the face of flagrant subversion of the democratic process (and this is what having an “inside man” at Comelec means, especially one like Garcillano) because you agree with her middle-class ends, you are leaving the door wide open someone else (whom you may not be so happy with) to do the same thing. Thus the cycle of cheating and corruption that holds this country back will continue. If it was right to get rid of Erap for his corrupt ways, why isn’t it right to get rid of GMA for hers?

… Forget the opposition and their motives. I’m disappointed with them myself. Look at the economy. If we’re really getting better, why did surveys say we just had the bleakest Christmas ever? Are there more than 1% of the population who benefit from stack market gains? A strong peso is not great news for exporters and OFWs; and prices of basic commodities, that should be determined by the peso exchange, have not gone down–so who exactly is benefiting from the peso’s strength? The status quo is not worth defending. Don’t put down all who oppose GMA. A good many have no ulterior motive other than protecting the Filipinos’ welfare.

Instead of waiting for someone, let’s look for him/her and push him/her to challenge GMA who’s already wasted 5 years (almost 1 presidential term). She needs to go.

Here’s another entry from Ako si Paeng entitled “Politics of Indifference?:

Maingay. Bayaran. Oportunista. Ito ang mga label niyo sa aming mga lumalaban ngayon kay GMA. Nakakalungkot isipin na ang mga label na ito ay hindi pa nanggaling sa mga lantarang kakampi ni GMA. Ito ay galing sa mga “concerned” na mga tao tulad niyo na dahil sa pagmamahal raw sa Pilipinas ay gusto nang matigil ang kaguluhan sa bansa natin.

Totoo na may mga oportunista naman talaga sa oposisyon, lalo na sa hanay ng mga politiko. Pero mas marami sa aming mga nagiging aktibo sa pagkilos ay nariyan dahil sa pagmamahal sa bansa. Dahil ayaw naming iwan sa mga susunod na henerasyon ang isang Pilipinas na itinatrato nang normal ang korupsyon, ang pandaraya sa eleksyon, at ang pag-violate sa mga karapatang pantao. Dahil ayaw naming maniwala na hindi na maaaring mabago ang kalakaran ng pamumuno sa Pilipinas, na ang mamamayan ay walang magagawa, at ang lahat na lang ng gustong manamantala sa atin ay magagawa ito nang lantaran at walang oposisyon.

Minsan, nasasabihan niyo pa kami na uhaw sa kapangyarihan. Na di kami makapagtiis na makatikim ng posisyon sa gobyerno. Ngunit hindi naman namin sinasabi na kami ang dapat maupo sa gobyerno. Ang sinasabi lang namin ay walang karapatang maupo sa gobyerno ang isang taong di marunong gumalang sa boto na sagrado sa isang demokrasya.

Hindi naman namin sinasabi na patalsikin si GMA at kami ang papalit. Ang sinasabi namin, patalsikin si GMA, ireporma ang COMELEC at mag-eleksyon uli. Kung sino ang manalo, administrasyon man o oposisyon, basta naging malinis ang eleksyon, siya ang dapat mamuno. Ipinagtatanggol lang naman namin ang isang tunay na demokrasya.

Nakikinig kayo sa mga panawagan ni Donald Dee na sinasabi niyong boses ng mga negosyante sa bansa. Pero alam niyo ba na nakikinig rin kayo sa boses ng kumpare ni GMA kasi inaanak ni GMA ang isa sa mga anak ni Dee? Naniwala kayo agad na justified ang PP 1017 dahil lamang sa pahayag ng Malacañang na mayroong coup attempt na nakabase sa mga intelligence reports na hindi naman suportado ng kahit anong dokumento. Pero sa pandaraya sa eleksyon ni GMA, ayaw niyong maniwala dahil sabi niyo walang ebidensya kahit na mayroong Hello…Garci?! tapes, may authentication sa voice analysis na ginawa ng PCIJ, may confirmation ng mga events na dinetalye sa tape ayon sa imbestigasyon ng internationally respected na Newsbreak magazine, may ethnomethodological analysis na ginawa si Randy David, may NAMFREL report na may dayaan na noon pa lumabas pero hindi lang agad pinansin, may cover-up na ginawa ang pamahalaan (Ruado tapes) na isang presumption ng guilt, may apology ang accused party (I am sorry) kahit na hindi nilinaw kung ano ang hinihingan ng tawad, at may bogus impeachment complaint na finile sa kongreso at sinuportahan ng administrasyon para maharang ang tunay na impeachment complaint.

Let’s move on… Magtrabaho na lang tayo… To hell with politics… Parepareho lang naman iyang mga politiko kaya wala akong pakialam… Mamamatay rin yung mga yan pagtanda natin… Wala na bang good news? Ano pa bang variation ng argument na ito ang ikinakalat niyo ngayon? May bagong term pa nga akong naririnig ngayon: politics of indifference.

Mukhang pinapalabas niyo pa na ang apathy ngayon ay isa nang principled stand. Paanong naging paninindigan ang kawalan ng konkretong posisyon sa mga relevant social issues? Paanong naging pagmamahal sa bansa ang di pagsalita sa lantarang paggamit ng kaban ng bayan sa pansariling interes, sa lantarang pagsikil sa karapatan ng mga mamamayan nito, at sa lantarang pagsira sa mga institusyong demokratiko para lang mapanatili ang hawak sa kapangyarihan? Sabi niyo may pakialam kayo. Pero paano mo masasabing may pakialam ka, kung hindi ka nakikialam? Mahal mo ba ang bansa o mahal mo lang ang sarili mo?

See, some people won’t surrender their idealism just like that. And it bothers me that a lot of today’s youth have lost their idealism at such a young age. Kung sino pa ang mga nakababata, sila pa ang nagsasabing pagod na sila at wala nang pag-asa ang Pilipinas.

Leave a Reply