I haven’t dropped the note

October 11, 2006. Wooh! High school. I’ve been hopping around Multiply a while ago and I came across this scanned copy of one of our class pictures from my high school classmate, Raf Dionisio’s page. Props to who can spot me.

I’ve not been diligent in updating this blog. Pasensya na. Hindi ko na rin masyadong dinadala ang camera ko kung saan-saan ako pumupunta. Kaya kung mag-update man ako ay puro mga nakaw na litrato mula sa mga kaibigan lang ang napo-post ko. Na-realize ko kung gaano ka-bulky at inconvenient ang magdala ng DSLR araw-araw, lalo na kapag palagi kang nagko-commute at naglalakad-lakad.

Noong Biyernes ng Hapon, maaga kaming na-dismiss sa klase ni Sir Fortin. Ilang araw ko na rin niyayaya si Eka at nagpapasama sa kanya papuntang Quiapo. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakabili ng mga DVD. Dahil wala na rin naman kaming ginagawa noong hapong ‘yon, we spontaneously decided to go to Quiapo.

Before we knew it, we were on a Quiapo-bound bus from Philcoa. Mag-iisang oras din ang tinagal ng biyahe dahil sa trapik. Pero masaya naman dahil marami kaming napag-usapan. Halos hindi ko napansin na ganoon katagal ang byahe.

Na-miss ko ang Quiapo. Noong first year at second year ako, madalas akong bumisita ng Quiapo tuwing break ko. This may be weird, but I find gratification in exposing myself to street chaos na Maynilang-Maynila.

Na-miss ko ring mamili ng DVD. Alam kong masama ang pagtangkilik sa piniratang produkto. Ang mantra ko naman ay hindi ako bibili ng piniratang pinoy. It’s twisted reasoning. Pero ganon talaga. I love my own. “Revenge of the third world” din nga ika ng iba. Saka isipin niyo, pirated DVDs in the Philippines have facilitated greater acknowlegment and understanding of film and cultures of other countries to Filipinos, by exposing us to such material which we wouldn’t have affordable access to anyway. Rather than thinking of piracy as destroying potential markets, it can be thought of as building up new ones by jumpstarting the interest in foreign films. Just sue us when we have enough purchasing power to actually buy original materials.

Nalihis na naman ako. Marami-rami rin kaming nabili ni Eka. Mahigit isang oras din ang tinagal ng byahe pabalik ng UP. Pero tulad ng byaheng papuntang Quiapo, hindi ko gaanong namalayan ang oras.

Pagbalik ko ng UP ay dapat may dadaluhan akong isang pagpupulong ng alliance laban sa laboratory fees sa Mass Comm. Akala ko nga ay late na ako. Ang siste pala ay hindi siya natuloy. Dahil nabakante ang oras kong nilaan ko para sa pagpupulong, naisipan kong samahan sina Celeni at Patty (Lazatin) sa Seattle’s Best Coffee sa Katipunan, kahit na ang dugyot-dugyot na ng pakiramdam ko. Dahil hindi naman ako coffee-shop person at kaunti lang ang alam ko sa kape (bagamat ang pamilya ko ay galing sa lugar na binansagang “coffee town of the Philippines”), naka-order ako ng isang inuming napaka-pait pala ng lasa, at hindi ko talaga siya nagustuhan. Ihinalo ko na lang ang isang tasa ng kapeng ‘yon sa isang baso ng malamig na gatas para mainom ko nang maayos. Ayos lang naman, libre naman ‘yon ni Celeni. Salamat nga pala.

Noong Martes, wala akong klase noong hapon. Nagpasama ako kay Patti (Serrano) sa SM North EDSA. Matapos tupdin ang ilang utos mula kay Mama, tumambay lang kami sa Starbucks, na bihirang bihira kong gawin. Isang oras din kaming nakapag-usap. Kanina, sinamahan ko si Patti (Lapus) sa Roadrunner para ipa-telecine ang film rushes namin for Film 113. Unfortunately, may mga kailangan pa kaming ipapirmang mga papeles bago kami bigyan ng kinakailangan naming 50% student discount.

Leave a Reply