Walang puwang

Pagpasensiyahan niyo ulit na hindi na naman ako nakakapag-blog. Mula sa paghahanda para sa Student Regent Referendum noong December mula sa mismong Referendum noong January na sinundan kaagad ng student council elections sa UP, at pinagitnaan ng iba’t ibang gawain sa University Student Council. Mula paggising hanggang pagtulog talaga noong mga nakaraang buwan puno ng mga gawain ang schedule ko. Pagkatapos na pagkatapos ng eleksyon, eto naman ako naghahabol nang todo sa pagbabasa at pag-aaral ng mga kaso. Nawawawalan na nga ako ng gana eh. Pero walang puwang para panghinaan ng loob. Kayod lang nang kayod. At Facebook. Ha ha ha! Sana nasa UP Law pa rin ako sa susunod na semester.

Leave a Reply